it's been a while......*
isang buwan? "hinde lang..."
isang taon? "higit pa...."
siguro dalawang taon na rin akong walang cellphone. seryoso. walang biro. tanda ko pa kasi nung ibinenta ko ung pamatong 3210 ko dun sa guada mall. pota sira daw ung lcd kaya 900 pesos lang. "cge, deal.." sabi ko (akala ko nung una ako pa ung nakaloko kasi sa iba pota P700 lang). pota sabay nung isang araw pagtapos kong ibenta ung cp ko, pagdaan ko 'cha naka display na ung 3210 ko (alam kong 3210 ko un, pota, lukso ng dugo, er.... ng..ewan.. basta alam ko akin un). anak ng.... P1500 ibinebenta.
anak ng .... naloko ako,... muntik tuloy akong mapakanta.....
(Stuped) Love, soft as an easy chair
(Stuped) Love, fresh as the morning air
(Stuped) Love, love that is shared by two
(Stuped love) I have found in you
wala talaga sa isip ko na ibenta un kaso nagipit ako e. saka sira naman ung lcd, pinag-eksperimentuhan ko kc parang masarap baklasin e, parang lego blocks (dugo ng isang EEE), un natuluyan.
"madali lang mag-ipon ng pambili..." sabi ko dun sa mga barkada ko. un umabot ng isang buwan, taon, ewan. wala pa rin. ni hindi nga nila ako makontak maliban sa email at ym. buti nga may chikka kaya nate-text ko pa cla.
sa ngayon nagbabalak akong bumili ng cellphone. medyo naka-ipon na rin ako (pota after 2 years pare, after 2 years). Isipin mo un, i've been disconnected from the world for 2 years. (astig, lufet ko, para akong ermitanyo)
sana lang magkasya ung pera ko. inisip ko kasi, tutal dalawang taon akong walang telepono, bibili na ako ng malupit at super advance na model. ung may color display, polyphonic, may cam at iba pang gadgets and gizzmos at higit sa lahat, ung nagtra-transform sa kotse, para isang bili na lang, may fone ka na, may wheels ka pa. astig
nga pala, sana maiuwi ko muna un sa bahay bago ma-snatch, balak ko kasing bumili sa greenhills e. (^^)
*astig talaga ang STAIND, epiphany...


